random thoughts on blogging, running, etc.—

 Hello.


Writing this because Perplexity keeps on hitting a wall with the deep research I want it to do. Nanonood din ako ng Paris Olympics 2024 Men's Marathon. Wala lang, na-share ko lang.


Nakakatawa kasi March 17 lang yung una kong takbo since high school, so that's more than a decade already, and now all the content I consume is about running—The Running Channel, Philly Bowden, Ben Parkes, couch to 5k/10k/Half/Full Marathon videos—lol.


Nalimutan ko na kung ga'no kasaya at kasarap tumakbo. Sabi ko nga nun, ang sarap nung feeling. Parang ang laya-laya mo. It was like you were made to run. And I think we are made to run. So ayun. Thank You, Lord, sa privilege na makatakbo.


And I really am enjoying the training na sponsored ni AI. Haha. So far, effecive siya and nag-post nga ako kanina—from 10:30/km, nasa 9:45/km na siya—same effort, faster pace. I have yet to see kung ano ibubuga ng katawan ko in my tempo/threshold runs starting May, pero for April, let's keep it chill sa Zone 2 sabi ni Coach. So, okay.


Ang goal naman naten eh matapos yung marathon nang buhay, more than anything. Syempre gusto ko makatapos nang maaga, kasi hello, ang sakit sa paa ng tatakbo ka ng mahigit anim na oras. So mas maaga sana for the same effort, mas okay. Pero if not, ede coconat. Basta naniniwala akong makakatapos kami in Jesus' Name.


Okay—writing. Bakit ba naisipan ko na naman magsulat? E pa'no, gusto ko naman kasi talaga nagsusulat. Therapeutic kasi siya for me kasi nale-lay down ko yung mga iniisip ko. And actually, naaalala ko nga nung bata ako, nagbo-blog ako nun sa tumblr pa nga ata yun.


I can distinctly remember, yung trip namin sa Puerto Princesa nun, naka-blog yun! Ewan ko lang kung buhay pa yung blog o kung saan napunta...tapos yung phone ko nun e yung Nokia pa na may QWERTY keyboard. Ang ganda nung phone na 'yun. Oh well.


Nagsusulat din ako sa Threads...kaso ang problema kasi sa Threads, parang X na may limit kada thread. Parang mas bet ko yung tuloy-tuloy lang akong nagsusulat at nage-express ng gusto kong sabihin... And if I do stick with writing here sa Blogger, this will be the treasure trove of my thoughts ng buhay ko.


So para sa aking pinakamamahal na mapapangasawa at sa mga magiging anak natin, mas makikilala niyo ako kapag natuklasan niyo 'to. Hehehe.


At ikaw—kung sino ka man—kilala kita o hindi, welcome to my mind. To set some expectations para sa'yo at para sa sarili ko, dito ko ilalagay lahat ng nangyayari sa buhay ko at the moment.


Currently, ito sila:

  • Engaged—wedding preparations, preparing to be a husband
  • Financial Advisory—may gusto akong gawin sa career na 'to pero for some reason hindi ko maumpisahan. I want to break the mentality na ang mga financial advisor sa Pilipinas e puro "insurance" lang ang alam. Na para bang walang mga moral at ang alam lang e magbenta ng produktong hindi akma sa kailangan ng mga kliyente. (ramdam mo na ba na may gusto akong patunayan)
  • Running—nasabi ko naman na yung iba kanina, pero marami akong nare-realize simula nung nagsimula ako tumakbo so dito ko rin 'yun ishe-share
  • My walk with God—this is the foundation of who I am and it will bleed through everything I say, think, and do. I am who I am today by the grace of God. And I wouldn't have it any other way.

So ayon. Tapusin ko na muna siguro ito dahil marami pang need gawin. Kung binasa mo 'to hanggang dito, thanks!

Comments

Popular posts from this blog

random thoughts on public parks, government projects, corruption, change

32KM Peak Long Run Done! ✅ My experience, a miracle happened to me, realizations from training